Naghahanap ka ba ng mga paraan para maging epektibo para sa iyo ang LinkedIn? Narito ang tatlong simpleng hakbang para makapagsimula ka.
Gumawa ng magandang profile
Mag-explore ng mga oportunidad sa trabaho
Manatiling nakakaalam
1. Gumawa ng magandang profile
Ang unang hakbang sa paggamit ng LinkedIn ay ang pagtiyak na magiging katangi-tangi ang profile mo. Para magawa iyon, basahin ang pinakamahuhusay naming kasanayan para sa mga profile, alamin kung paano maglalagay ng mga kakayahan sa iyong profile, at alamin kung paano maglagay ng introduction card.
Kapag nakagawa ka na ng profile mo, simulang maghanap ng trabaho sa LinkedIn. I-click ang mga link sa ibaba para maunawaan kung paano gumagana ang aming Paghahanap ng trabaho, alamin kung paano maaabisuhan tungkol sa mga oportunidad sa trabaho, at alamin kung paano ipapaalam sa mga Recruiter na naghahanap ka.
Papanatilihin kang updated ng LinkedIn tungkol sa mga Balita, Tao, at Kumpanya na makakatulong para maging mas epektibo ka at para maisulong mo ang iyong career. Matutunan kung paano makakahanap ng mga koneksyon, susubaybay ng mga tao at kumpanya, at magsu-subscribe sa isang newsletter.